Sa
aking palagay, ang kanta ay sumusuporta sa feminismo dahil nagpapahiwatig ito
ng halaga sa persona ng kanyang sinta. Marami pong nagpapatunay sa
pagpapahalaga ng persona ng kanyang kausap.
Ang
umawit at lumikha ng “Ligaya” ay si Ely
Buendia, ang lalaking bokalista ng Eraserheads. Maaring si Ely Buendia mismo
ang persona sa kantang ito. Maraming
beses ipinapahayag ng persona na ang kanyang sinta ay nagbibigay ng kaligayahan
sa kanya, tulad sa linyang “aking sinta'y walang humpay, na ligaya”. Maaring sabihin rin na
babae ang kausap ng persona dahil karaniwang ang sinta ng isang lalaki ay
babae.
Sa
umpisa ng kanta, maraming beses tinatawag ng persona ang kanyang sinta bilang
kanyang “giliw”. Itinuturing ng persona sa choros na ang kanyang sinta ay
nagbibigay sa kanya ng walang humpay na ligaya. Makikita rin sa kanta ang
halaga sinta sa persona sa huling bahagi ng kanta, lalung-lalo nang ipinangako
niya na mamahalin niya ang babae “sa tanghali, sa gabi, at umaga”. Naniniwala
rin ang persona na makakabuhay siya nang maligaya kasama ang kanyang sinta sa
linyang, “Lahat tayo'y mabubuhay na tahimika'at buong
Ligaya.” Maraming beses pang unuulit ang choros ng kanta, kung saan
ipinapapahayag ang pagmamahal ng persona sa kanyang sinta.
Pinapangako
pa ng persona na gagawin niya ang lahat para sa kanyang sinta, pati ang tesis niya. Ang tesis ay isang napakahabang dokumento na ginagawa ng mga estudyante
sa kolehiyo na maaring humigit ng 100 pahina. Malaking trabaho ang isang
thesis. Kaya, ang lakas mangako ang
persona!
Dahil
sa mga patunay na ito, masasabi na ang pagbibigay-puri ng persona sa kanyang
sinta ay tunay na nagsusuporta sa mga ideya ng feminismo, kung saan binibigay
halaga ang isang babae.
Lorenzo Angelo D. Lugue
N2012