Maraming
makikitang mga katangian ukol sa relasyon ng mga babae at mga lalaki sa ating
kontemporaryong panahon sa patalastas ng McDonald’s na ang tawag ay
“Girlfriend”. Mayroon ding mga ilang ideya na naglalarawan sa mga modernong
babae at steryotipikong mga ugali ng babae na nagamit sa paggawa ng patalastas
na ito, Sa mga paggamit ng ideya at ugaling dito, ay mahihinuha nating laganap
ang mga ito sa ating lipunan ngayon. Makikita ang mga ito sa konteksto ng
patalastas na kung saan may dalawang batang nag-uusap sa isang palaruan.
Tinanong ng babaeng bata sa kaniyang kausap na lalaking bata kung sila’y
magkasintahan na. Nagulat ang binata sa sinabi ng kausap at mabilis niyang
sinagot ang tanong.
“(!) Ayoko nga….”
Sabi ng binata na siya’y hindi pa handa,
sapagkat ayon sa kaniya “demanding” o mahirap at nakakapagod pangalagaan ang
mga nobya. Maraming mga hinihingil ang mga babae sa mga lalaki na kanilang
pinapakita’y mga dapat magbigay at magsuporta sa kanila. Ito ay katapat ng
nosiyon na ang mga babae ang dapat nagsasakripisiyo at nagtatrabaho para sa
kanilang asawa’t pamilya. Sila dapat ang nagbibigay buhay sa lipunan sa
konteksto ng ating mga tahanan.
Ngunit may
sunod na sinabi ang dalaga sa binata:
“Gusto ko lang naman
ng McDo fries, eh”
Nagulat
ulit yung binata sa sinabi ng dalaga. Siya’y biglang ngumiti at nagsalita ng “Talaga?” habang niraramdaman ang bulsa
para makahanap ng pera. Halata na sa mga pangyayaring ito na ang pananaw sa mga
babae ngayon ay sila’y “nabibili”, na sila’y parang mga produkto na kapag ika’y
mayroon ng kanilang mga gustuhin (o may pera para mabili ang mga ito…) ay susunod
sila sa iyo. Nawawalan ng dignidad ang kababaihan kapag ganito ang tingin at
pagturi sa kanila.
Sa
pangkalahatan, masasabi nating hindi isinusulong ng patalastas na ito ang
Feminismo sapagkat binibigyan nito ng masamang imahe ang mga babae kung saan
sila’y dinidegrado sa paggamit nito ng mga negatibong ideya at isteryotipikong
katangian ng mga babae sa kasalukuyang panahon. Ipinapakita sila bilang mga matreyalistikong
tao na “mumurahin” lamang sapagkat sila’y “nabnibili” ng pera at kayamanan
kahit na ang mga ito’y hindi naman laging totoo at maling pananaw sa mga babae.
Manolo Franco Romero
N2012